*inspired by Ped's efforts to follow the leader*
Dear Nikki,
Hanggang ngayon eh tingin mo pa din sa sarili mo eh ugly duckling ka. Hindi ka na ba naka-get-over sa idea na hindi naman? Sabagay, in a while eh hindi mo na iisipin yun, pero in some ways eh level-headed ka pa din. Maganda yon. Basta tama lang ang confidence level mo.
Mag-get-over ka na sa kanya. Hindi naman magiging kayo maski ilang beses pa kayo magkita, ilang beses kayo mag-usap and ilang beses ka pa magpakabiba eh hindi talaga magiging kayo. Wake up. Atenista nga, kaengot-engot naman. Magkakaroon ka din ng bf. Mas maliit nga lang sa'yo. Hahaha, true yun girl, ayaw mo maniwala eh di wag! Maysa epal, maysa pa-bibo din pero malalaglag ka talaga sa kanya.
Surprise, surprise. Hindi naman kayo magtatagal. (Naisip mo siguro, napakabrutal ko. Well, ako ikaw. Wag ka na magreklamo) Seryoso, hindi talaga. Idedeny mo lahat-lahat ng signs dahil para sayo eh siya na si "trulab". Yuck ha. HINDI. Hindi ka din naman magiging old maid, day.
May super gwapo't super tingting na classmate ka pagdating mo ng junior year. Magiging prom partner (hindi date ha, partner lang talaga) mo pero hindi magiging kayo. Ba't kaya? Dahil ba sobrang ma-L niya? Dahil masyadong nagbubuhay-binata? Eh kasi naman...
Meron pa akong isang surprise sa'yo. Pagdating mo ng 4th year. Sikretong malupit. Aawayin ka ni mommy dahil din sa surprise na yon. Pero iyon ang magbibigay sayo ng direction sa buhay para ipagpatuloy mo ang orig mo na pangarap.
Isa pa, sa 4th year. Dadating si Mr. Suplado-slash-trulab. Aynaku, maiinis ka talaga sa simula kase naman super NR. Pero sa totoo lang, siya na yon. Kinilig ka naman. Hahaha. Matalino din, pero wag mo naman pilitin mag-aral. Hindi talaga magbubuklat ng libro yan. Pero sobrang talino. As in. Matigas din ulo nun. Kaya cool ka lang Nikki, wag mo pilitin ang hindi pwede sa kanya. Medyo seloso sa oras, kaya siguraduhin mo na pantay ang time mo. Hah.
Hindi magwo-work out ang SK the way you expected it to be. Period.
Dadaan ang family sa isang eye-opener. As in. Malalaman natin lahat kung sino ang tsismoso't tsismosa, totoo't hindi, na mga kapitbahay. Babaw ba? Hindi ano. Hahaha. Sige lang, tawa lang. Hindi naman nakakatawa. Sige, tataba ka. Hindi nga, tataba ka nga. At tawa din lang si Mr. Suplado-slash-trulab. Maganda ka pa din naman maski may bilbil ka, at love ka pa din daw niya. So ano naman ang taba daw, di ba? (jackpot!)
Hindi ka din mgnunursing. Kaya easy ka lang. Yay.
Sa ngayon at sinusulat ko eto ay may hinahabol akong MPI. Ano ang MPI? Neknek. Malalaman mo din yon. Basta, kelangan habulin. Payat na ulit ako ngayon, pero ganun pa din. Malakas lumapang, pero hindi na tumataba. Congrats. Malapit na din ako maglunch. Ayoko talagang magterminal break muna. Magpapaka-good muna ako. Malalaman mo tlaga lahat ng pinagsasabi ko pagdating mo ng dinedeny kong age na twenteen. Lapit na uwian. Magbebreak ka muna sa "pantry" (ohmygad, halungkat ng dictionary, DALI!!! Dahil ang pantry dito ay hindi pantry kundi CANTEEN.. dapat na talaga makabasa ng dictionary ang nagma-manage ng canteen.. Lintek). Paguwi mo ay inaantay ka ni Mr. Suplado-slash-trulab sa PC shop. Surprise ulet. Hahaha. Pero dunwure, semi-legal na kayo, at ililibre ka niya ng PC para maglaro ng Mafioso. Hebi ba? Hahaha, isa sa mga paborito mong games yun. Kasama na ang Rohan. Ran. Flyff. BI sa laro si Mr. Suplado-slash-trulab. Hahaha. At biruin mo ha, ang pinaka-nakakaintrigang larong MAGIC eh siya din ang makakapagturo sayo nun. Bumongga pa.
Sinasabi ko sayo to para may aware ka sa mga maeexpect mo in the future. Hindi lahat maganda, pero hindi naman lahat pangit. Magkakaroon ka ng mga kaibigan at mawawala din, pero may mga talagang tatagal. Hindi magiging madali ang buhay, ngunit hindi din naman magiging mahirap. Easy ka lang. Kung kelangan mo umiyak, go lang. Pero tawa lang, ngiti lang. Masaya ang buhay Nikki. Kaya't habang bata ka pa, ienjoy mo buhay mo.♥
Monday, May 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment